HALOS KALAHATING EKTARYANG MODERNONG SAKAHAN SA MANGALDAN, INIREKOMENDANG MAGING LEARNING SITE NG DA-ATI

Inirekomenda ng Department of Agriculture–Agricultural Training Institute (DA-ATI) Ilocos Region ang isang pribadong agricultural at training enterprise sa Barangay Tebag, Mangaldan, Pangasinan bilang Learning Site for Agriculture (LSA) matapos itong pumasa sa isinagawang validation at ocular inspection noong Hulyo 14, 2026.

Kasama ng DA-ATI Ilocos Region ang Municipal Agriculture Office (MAO) sa isinagawang pagbisita tignan ang naturang pasilidad.

Batay sa ulat ng lokal na pamahalaan, sinuri ng mga evaluator ang lawak ng sakahan, mga uri ng pananim na itinatanim, at ang mga teknolohiyang ginagamit sa produksyon.

Ayon sa DA, pasok umano ang naturang farm sa mga itinakdang pamantayan ng programa kaya’t inirekomenda itong kilalanin bilang Learning Site for Agriculture.

Halos kalahating ektarya ng sakahan sa site ang gumagamit na ng makabagong kagamitang pang-agrikultura tulad ng corn seeder at drum seeder na maaaring magsilbing demonstration farm at training venue para sa mga magsasaka. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments