BUGALLON, ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY; 25,000 RESIDENTE APEKTADO NG MASAMANG PANAHON

Isinailalim na rin sa state of calamity ang bayan ng Bugallon, Pangasinan kasunod ng epekto ng malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan sa lugar.

Inaprubahan ng Sangguniang Bayan noong Agosto 19 ang Resolution No. 123, Series of 2026, na nagdedeklara ng state of calamity sa buong bayan.

Batay sa datos na nakapaloob sa resolusyon, tinatayang 25,000 residente ang naapektuhan ng masamang panahon. Ang deklarasyon ay magbibigay-daan sa lokal na pamahalaan na magamit ang mga nakalaang disaster funds at iba pang resources, alinsunod sa umiiral na mga patakaran, para sa relief at response operations.

Kabilang sa mga maaaring tugunan ang pangangailangan sa pagkain, relief supplies, evacuation at iba pang agarang pangangailangan ng mga apektadong residente.

Sa deklarasyon ng Bugallon, apat na lugar na sa Pangasinan ang naiulat na nasa ilalim ng state of calamity, kasama ang Sta. Barbara, Mangaldan at Dagupan City.

Patuloy namang minomonitor ang mga lugar na apektado ng pag-ulan at pagbaha, habang pinapayuhan ang mga residente, partikular ang mga nasa mabababang lugar at flood-prone areas, na bantayan ang mga abiso ng mga awtoridad at lumikas kung kinakailangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments