
Magpapatupad ng libreng sakay ang Department of Transportation (DOTr) at ilan pang ahensya ng gobyerno ngayong Martes, August 18, para tulungan ang mga commuter sa gitna ng banta ng malakas na buhos ng ulan at pagbaha.
43 vehicle assets ng gobyerno ang ide-deploy simula 6:00 a.m. hanggang 8:00 p.m.
Kabilang sa mga ruta ng libreng sakay ang balikang biyahe sa:
1. Quiapo to Fairview
2. Lawton to PITX
3. Divisoria to Cubao (via Nagtahan)
4. Baclaran to Monumento (via Taft)
5. Lawton to Muntinlupa (Starmall)
6. Heritage to Market Market
7. Monumento to PITX (Busway route)
8. Kalentong to Pasig
9. Buendia to Makati Avenue
10. Quiapo to Commonwealth
11. Marikina to Cubao
12. Sta. Mesa to Q. Avenue (via Araneta)
13. Baclaran to Sucat
Kabilang sa magbibigay ng libreng sakay ang Office of the President; Philippine Coast Guard (PCG); Philippine Ports Authority; Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP); Land Transportation Office (LTO); Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB); Department of Energy (DOE); Department of Labor and Employment (DOLE); at Philippine Army.
Samantala, maaari namang ma-extend ang nasabing oras ng libreng sakay kung kinakailangan.
Sa kabilang banda, kasalukuyan namang nasa halos 15 meters o normal level ang tubig dito sa Marikina River ngayong Martes, August 18, habang makikita naman natin ang mga basura sa gilid ng ilog na naiwan noong pagpaaw ng tubig-ilog kahapon.










