15 GASOLINAHAN SA MANAOAG, MAHIGPIT NA BINABANTAYAN

Pinaigting ang pagbabantay sa labinlimang gasolinahan sa bayan ng Manaoag upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa tamang patakaran na itinakda ng Department of Energy (DOE).

Ito ay matapos ang pagpupulong katuwang ang mga kinatawan ng mga establisyimento noong Huwebes, Marso 12, upang talakayin at magkaroon ng nagkakaisang hakbang sa pagbabantay sa presyo at suplay ng produktong petrolyo.

Ayon sa lokal na pamahalaan, hindi maaaring basta-basta magtaas ng presyo ng gasolina dahil sa pamantayan na itinakda ng gobyerno upang protektahan ang mga konsyumer mula sa posibleng pananamantala o manipulasyon.

Samantala, tinalakay naman ng kapulisan ang hindi makatarungang pagreregula ng ilang gasolinahan sa pagbebenta sa mga lalagyan o containers, partikular sa mga magsasaka.

Nagbigay naman ng babala ang mga awtoridad, na ang mahuhuling lalabag ay maaaring patawan ng kaukulang parusa ayon sa batas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments