
Bago pa man makapagsampa ng piyansa si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) ngayong Sabado ng tanghali, nilinaw ni NBI Director Melvin Matibag na walang natanggap na kopya ang National Bureau of Investigation (NBI) ng warrant of arrest laban sa bise presidente.
Ayon kay Matibag, sa Philippine National Police (PNP) naka-address ang naturang warrant at hindi sa NBI.
Gayunman, sinabi niyang bilang bahagi ng kanilang law enforcement duties, maaari pa ring magsagawa ng pag-aresto ang NBI kung kinakailangan at naaayon sa batas.
Kagabi nakausap natin si PBGen. Christopher Olazo ng Quezon City Police District at sinabi nitong wala pang direktibang arestuhin ang bise kahapon.
Sa ngayon ay nabigyan na ng lift order si VP Duterte matapos maghain ng ₱120,000 piyansa sa kada counts ng grave threats na isinampa sa kanya.










