Wednesday, September 2, 2026

Patuloy na paniningil ng toll fee sa NLEX sa kasagsagahan ng baha, binatikos

Binatikos ni House Deputy Minority Leader at Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña ang patuloy na paniningil ng North Luzon Expressway o NLEX ng toll fee kahit sa kasagsagan ng pagbaha.

Dismayado so Cendaña na naging North Luzon Express Lake na ang NLEX, pero wala pa ring toll suspension.

Kaya tanong ni Cendaña kung anong binabayaran ng mga motorista sa NLEX: water ride sa theme park o parking fee?

Katwiran ni Cendaña, hindi birong halaga ang binabayaran sa toll fee ng mga motorista pero dapat itong suspendehin kung may sections o lugar sa NLEX ang hindi passable kagaya kung may baha.

Giit ni Cendaña, hindi dapat singilin ang mga motorista ng toll fee kung hindi naman kayang igarantiya na ligtas ang kanilang madadaanan.

Facebook Comments