Nakatakdang magsagawa ng Mega Job Fair Caravan ang Pangasinan Public Employment Service Office o PESO sa Nobyembre 27, 2026, sa Urdaneta City.
Tampok sa aktibidad ang mga vacant jobs mula sa mga local at overseas employers na maaaring aplayan ng mga fresh graduate, skilled workers at iba pang naghahanap ng bagong trabaho.
Batay sa ulat, gaganapin ang aktibidad simula alas-otso ng umaga sa isang mall, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, PESO-Urdaneta City at Department of Labor and Employment o DOLE Eastern Pangasinan.
Bukod sa job fair, magkakaroon din ng Government One-Stop Shop Services kung saan maaaring mag-asikaso ng mga dokumento at mapakinabangan ang ibang serbisyo ng pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








