
Cauayan City – Namahagi ang Department of Labor and Employment (DOLE), sa tulong ng Public Employment Service Office (PESO), ng tulong pangkabuhayan sa 163 benepisyaryo sa mga Santiaguenos.
Layunin ng programang ito na matulungan ang mga nangangailangang indibidwal na makapagsimula, mapabuti, o maibalik ang kanilang pangkabuhayan.
Ang Integrated Livelihood Program ay isang inisyatiba ng DOLE na nagbibigay ng suporta sa mga manggagawang walang sapat na kita, nawalan ng hanapbuhay, o nais magkaroon ng sariling pagkakakitaan.
Sa pamamagitan ng programang ito, natutulungan ang mga benepisyaryo na magkaroon ng mas matatag at mas produktibong kabuhayan.
Patuloy ang DOLE sa pagbibigay ng ganitong uri ng tulong upang matiyak na mas maraming Pilipino ang magkakaroon ng oportunidad na mapaunlad ang kanilang buhay.