Pinaglalamayan na ng pamilya at kaanak ang mga labi ng nasawing tatlong taong gulang na bata matapos na paghahampasin ng kawayan ng umano’y sarili nitong lolo sa Pozorrubio, Pangasinan.
Sa ngayon, pagdadalamhati lamang ang nararamdaman ng kaanak sa sinapit ng paslit lalo at hindi nagkulang sa pag-aaruga at pag-aalaga ang mga magulang sa kanilang anak.
Ipinatong sa kabaong ang mga laruan ng bata habang tahimik na binabantayan ng mga kaanak.
Nasa kostudiya na ng pulisya ang suspek na gumawa sa kalunos-lunos na sinapit ng bata.
Mariin namang kinondena ng hanay ng Pangasinan Police Provincial Office ang nasabing insidente at binigyang diin ang kapakanan at proteksyon ng mga bata laban sa pang-aabuso at pananakit at tiniyak na pananagutin ang may sala. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







