Isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ng Umingan ang panukalang batas na magdedeklara sa Diket Falls bilang opisyal na tourist destination upang mabigyan ito ng pondo at karagdagang development projects.
Ayon sa tanggapan, nakatakda sana ang pagharap sa Senado upang idepensa ang nasabing panukala bago ito naantala dahil sa kasalukuyang sitwasyon dulot ng krisis Kilala ang Diket Falls sa likas nitong ganda sa kabila ng matarik at mahabang paglalakbay patungo rito.
Umaasa naman ang lokal na pamahalaan na maipagpapatuloy ang pagsusulong ng panukala upang higit pang mapalakas ang turismo sa bayan ng Umingan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








