RED ROSES NA MABENTA TUWING VALENTINE’S DAY, NANATILI SA P60 KADA PIRASO

Apat na araw bago ang Valentine’s Day wala pa ring paggalaw sa presyo ng mga bulaklak sa Dagupan City.

Ang mabentang pulang Rosas tuwing araw ng mga puso, nanatili sa 60 pesos ang presyo kada piraso. Ayon sa isang tindera ng bulaklak sa lungsod,Bagamat wala pang pagtaas sa ngayon, asahan na raw na habang papalapit ang Valentine’s Day ay unti-unting mag-tataas ang presyo nito.
Anila, ito ang kadalasang binibili ng mga kalalakihan para sa kanilang mga minamahal tuwing sasapit ang Valentine’s Day.

Mabenta rin umano sa kanila ang carnation, stargazer, at gerbera.

Marami na rin ang nagpareserved ng kanilang mga order Gaya ng bouquet na naglalaro ang presyo mula sa 300 pesos, 500 pesos, 1000 pesos at higit pa depende sa disenyo at nais ng mga kostumer.
Mas mainam na umano na maagang mag pa-reserved upang hindi na maabala sa araw ng mga puso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments