Wednesday, May 20, 2026

2 piloto na sakay ng aircraft na bumagsak sa benguet kaninang umaga, pumanaw na

Pumanaw na ang 2 piloto na sakay ng trainer aircraft na SF-260 na bumagsak sa Cabuyao, Tuba Benguet kaninang umaga.

Ang nasabing ulat ay kinumpirma ni Philippine Air Force (PAF) Spokesperson Col. Ma. Christina Basco.

Ang nasabing aircraft ay isa sa sampung eroplano na umalis sa Fernando Air Base sa Lipa City patungong Baguio City at ito ay bumagsak habang nagsasagawa ng navigation training flight ang mga ito.

Agad namang nakipag-ugnayan ang Air Force sa mga lokal na pamahalaan at sa pinakamalapit na air base sa lugar.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa dahilan ng nasabing aksidente.

Facebook Comments