Monday, June 29, 2026

Pagpapabilis ng proseso ng impeachment trial, pag-aaralan ng Senate Impeachment Court

Pag-aaralan ng Senate Impeachment Court kung papano mapapabilis ang proseso ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na sisimulan sa July 6.

Ayon kay Senate President Win Gatchalian, sa tantya nila ay posibleng tumagal ng pito hanggang walong buwan ang paglilitis mula sa 62 trial days na hinihingi ng house prosecution team para sa pagprisinta ng ebidensya habang 30 trial days naman sa defense team ni VP Sara.

Kailangan aniyang pag-aralan kung papaanong mapapabilis ang proseso ng impeachment trial lalo’t hindi lang naman ito ang trabaho ng mga senador.

Sinabi ni Gatchalian na pagsapit ng Agosto ay isa ang pambansang budget sa pinakamabigat na pagkakaabalahan din ng Senado.

Ikokonsulta muna aniya ng Senate Impeachment Court sa prosecution at defense team ang posibleng paraan para mapaikli ang proseso tulad ng presentasyon o pagpapaiksi sa bilang sa isang araw ng mga testigo.

Facebook Comments