Hindi naging hadlang ang rehas sa pagitan ng dalawang pusong nagmamahalan – ‘yan ang naging tagpo sa Kasalan sa Piitan sa Bureau of Jail Management and Penology, Alaminos City.
Ilang mga Persons Deprived of Liberty na nakapiit sa BJMP Alaminos ang matagumpay na nakipag-isang dibdib sa kanilang mga minamahal na kapareha sa naturang kasalan nitong June 20, 2026.
Bagamat rehas ang pagitan, hindi pinalampas ng mga naturang PDL na maging legal ang pagsasama nila sa tulong ng ilang mga institusyon na nag-organisa ng Kasalan Sa Piitan.
Kumpleto mula dekorasyon, pagkain, cake, at wine ang naging handa para sa mga bagong kasal na pinagsaluhan kasama ang ilang piling bisita.
Naniniwala ang BJMP Alaminos City na ang hakbang na ito ay isang paraan upang mapanatili ang dignidad ng mg PDL at mapanigurong mayroong positibong pagbabago, dahil ang tunay na pagmamahalan ay hindi nawawala kahit pa rehas ang pagitan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣












