Naaresto ng police regional office 1 (pro 1) ang apat na most wanted persons sa magkakahiwalay na operasyon sa benguet, la union, at ilocos sur sa loob ng dalawang araw na manhunt operation mula hunyo 15 hanggang 16, 2026.
Isinagawa ang mga operasyon sa ilalim ng enhanced a.L.E.R.T.O. Framework, kung saan magkakatuwang na kumilos ang iba’t ibang police units sa rehiyon upang matunton ang mga indibidwal na may kinakaharap na mabibigat na kaso tulad ng estafa, falsification of documents, illegal recruitment, at homicide.
Sa baguio city, isang 55-anyos na lalaki na kabilang sa top 10 most wanted sa rehiyon ang naaresto sa greenwater village. Siya ay nahaharap sa tatlong kaso ng estafa through falsification of documents. Pinangunahan ang operasyon ng 102nd maneuver company ng rmfb1 kasama ang iba’t ibang intelligence at investigative units.
Samantala, sa bayan ng caba, la union, nadakip ang isang magsasaka na itinuturing na 10th most wanted person sa probinsya dahil sa kasong homicide na may itinakdang piyansang ₱120,000.
Sa bauang, la union, isa namang delivery Rider na kabilang sa municipal most wanted list ang nasakote ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest.
Sa sto. Domingo, ilocos sur, nahuli rin ang isang residente na itinuturing na 2nd most wanted sa bayan dahil sa kasong illegal recruitment at estafa, na may kabuuang piyansang ₱140,000.
Ayon sa pro 1, ang mga naaresto ay kasalukuyang NASA kustodiya ng pulisya para sa dokumentasyon at kaukulang proseso bago iharap sa korte. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






