Umabot sa 40,000 bangus (milkfish) fingerlings ang inilagay sa bawat isa sa walong fish cages sa mariculture area ng bayan ng anda noong hunyo 17, 2026.
Ayon sa ulat, layunin ng naturang hakbang na palakasin ang produksyon ng isda sa rehiyon, mapatatag ang food security, at mapakinabangan nang husto ang mga umiiral na pasilidad sa aquaculture.
Bahagi rin Ito ng programa na naglalayong magbigay ng dagdag kabuhayan sa mga mangingisda at iba pang stakeholder sa sektor ng aquaculture, habang isinusulong ang sustainable na paglago ng mariculture industry sa region 1.
Inaasahan ng mga kinauukulan na makatutulong ang pagpapalawak ng produksyon ng bangus upang matugunan ang pangangailangan sa suplay ng isda sa lalawigan at karatig na mga lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







