Tuesday, June 16, 2026

DMW, tiniyak ang hustisya sa OFW na nasawa sa hostage taking sa Lebanon

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) ang hustisya sa Overseas Filipino Worker (OFW) na napatay sa hostage at shooting incident sa Lebanon noong April 15, 2026.

Kinausap na ni Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac ang pamilya ng OFW na si Rona Jean Elio Gervoso (49) sa Sibalom, Antique.

Tiniyak din ni Cacdac na pananagutin nila ang mga nasa likod ng pag-repatriate sa Pilipinas ng maling labi ng OFW.

Si Rona Jean ay kabilang sa dalawang OFW na napatay sa naturang hostage at shooting incident.

Facebook Comments