19-anyos na lalaki kulong matapos na mahulihan ng dalawang kutsilyo

6

Malinao, Aklan – Arestado ang isang 19-anyos na lalaki matapos ma mahulihan ng dalawang kutsilyo kagabi sa Brgy. Sandimas, Malinao, Aklan. Kinilala ang suspek na si Melbert Cabatac ng Brgy. Libang, Makato. Ayon kay PCMSgt. James Villaruel ng Malinao PNP na kanila sanang titiketan ang suspek dahil sa paglabag sa curfew hour pero napansin nila na hindi ito mapakali at may bumubukol sa kanyang baywang kaya ipinataas ang mga kamay nito at doon nakita ang dalawang kutsilyo. May haba na 17 inches ang isa at ito ay double blade at ang isa ay nasa 10 ½ inches ang haba. Sa pag imbestiga ng mga kapulisan na kung bakit napunta sya sa Malinao na ito ay taga Makato at ayon sa suspek, pumunta sya sa isang lamay at mga kutsilyo na nakuha sa kanya ay pang self defense nya ito. Sa ngayon ay detained sa lock up cell ng Malinao PNP si Cabatac at mahaharap sa kasong paglabag sa Batas Pambansa No. 6 maliban pa sa kanyang multa sa pagalabag sa curfew.

Facebook Comments