Monday, June 15, 2026

728 na mga imprastraktura sa ilang bahagi ng Mindanao, naitalang nasira dulot ng 7.8 magnitude na lindol — OCD

Nakapagtala ang Office of Civil Defense (OCD) ng 728 na mga imprastrakturang nasira dulot ng magnitude 7.8 na lindol sa ilang bahagi ng Mindanao.

Ayon kay Civil Defense Deputy Administrator, Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, ang nasabing bilang ay kinabibilangan ng mga pribado at pampublikong imprastraktura.

Dagdag pa nya, aabot sa ₱1.13 bilyon ang tinatayang halaga ng mga nasabing nasirang imprastraktura.

Samantala, nasa 261,000 na mga pamilya ang napaulat na naapektuhan ng lindol sa 432 na mga barangay.

Aabot naman sa 3,200 na pamilya ang nanatili sa 37 na itinalagang evacuation centers.

Habang nasa 65 naman ang napaulat na nasawi, 36 ang nawawala at 1,400 ang napaulat na sugatan dahil sa nasabing lindol.

Ayon pa kay Alejandro, karamihan sa mga napaulat na nasawi ay dahil landslides at sumunod dito ay dahil sa mga fallen debris.

Kaugnay nito, hamon din sa ngayon ang pag-uulan dahil sa posibleng magdulot ito ng pagka-delay sa paghahatid ng mga tulong sa mga apektadong residente.

Ngunit tiniyak naman ng OCD na parte na ito ng kanilang planning.

Nagpapatuloy naman ang isinasagawang operasyon ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para maghatid ng tulong sa mga naapektuhang indibidwal dulot ng nasabing lindol.

Facebook Comments