Tuesday, June 16, 2026

𝗕𝗜𝗢-𝗖𝗢𝗡𝗧𝗥𝗢𝗟 𝗔𝗚𝗘𝗡𝗧, 𝗦𝗔𝗚𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗟𝗨𝗦𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗬𝗔

Cauayan City – Nakahanap na ng teknolohiyang makatutulong laban sa pagkalusaw ng luya ang Department of Agriculture (DA) Field Office 2 sa pamamagitan ng Regional Crop Protection Center.

‎Ayon sa DA Nueva Vizcaya Experimental Station (NVES), layunin nitong mabawasan ang pinsalang dulot ng fungus at bacteria na matagal nang suliranin ng mga nagtatanim ng luya.

‎Tinatawag na bio-control agent ang natuklasang teknolohiya na napatunayang epektibo sa isinagawang pagsubok sa Ambaguio.

‎Sa halip na tuluyang mabulok, nagkaroon lamang ng bahagyang peklat ang mga luya at nanatiling maaari itong anihin at maibenta.

‎Hinikayat ng DA ang mga magsasaka na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sa Villaros, Bagabag o sa Municipal Agriculture Office upang makahingi ng bio-control agent.

‎Inaasahan din nitong mapanatili ang mataas na produksyon ng luya sa Nueva Vizcaya na kinikilalang “ginger capital” ng bansa.

‎Bilang dagdag na suporta, naglaan ang DA ng P4 milyon para sa pagtatayo ng nursery sa Santa Fe at P2.6 milyon para sa pagpaparami ng disease-free ginger seedlings.

Facebook Comments