
Hindi nakadalo sa kanilang graduation ang 12 Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) trainees sa Tanay, Rizal ngayong araw.
Ito ay kasunod ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng 2nd Infantrry Division sa umano’y pananakit ng isang training instructor sa loob ng kanilang barracks sa Camp Capinpin noong June 22.
Ayon sa 2ID, bahagi ng kanilang protocol na i-delay muna sa pag-graduate ang mga nasabing biktima habang inihiwalay naman ang nasabing akusadong training instructor.
Samantala, bibigyan ang nasabing trainees ng kaukulang psychological at physical evaluation bilang bahagi ng nasabing imbestigasyon.
Maari namang maharap sa demotion o discharge from service ang nasabing instructor sakaling mapatunayan ang pagmamaltrato sa mga biktima.
Facebook Comments










