
Ipinauubaya ni Senate President Sherwin Gatchalian sa Department of Justice (DOJ) ang imbestigasyon sa nangyaring May 13 shooting incident sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Kaugnay na rin ito sa preliminary findings ng DOJ na hindi inaatake ang Senado sa nangyaring gunfire incident na hinihinalang paraan para makatakas si Senator Bato dela Rosa na nasa ilalim ng protective custody noon ng Mataas na Kapulungan.
Ayon kay Gatchalian, hindi nila napagusapan ang plano noon ng Cayetano bloc na imbestigahan ang nangyaring pamamaril sa Senado.
Pero batay sa mga nakausap niyang mga senador, mas mabuting ipaubaya na lamang sa DOJ ang pagsisiyasat dahil sila ang sangkot sa insidente.
Tumanggi naman si Gatchalian na magkomento sa report ng DOJ na hindi under attack ang Senado noong May 13 at titingnan muna niya ang pinal na report dito ng ahensiya.










