
Tinawag na haka-haka ni Senator Chiz Escudero na siya ang tatayong presiding officer ng Senate Impeachment Court sa halip na si Senate President Sherwin Gatchalian para sa gaganaping impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa podcast ni Escudero ay sinabi niya na sa July 6 pa na pagsisimula ng impeachment trial malalaman o pagdedesisyunan kung sino sa mga senador ang magiging presiding officer.
Posibleng natutukoy siya na maging presiding officer dahil isa siya sa limang senador na abogado kabilang sina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, Senators Kiko Pangilinan, Pia Cayetano, at Rodante Marcoleta.
Binigyang-diin ni Escudero na sinuman ang maging presiding officer, siya dapat ay parehas at patas sa aktwal man at sa pagtingin ng publiko.
Kung matatandaan, naunang sinabi ni Senator Ping Lacson na may inisyal nang kasunduan ang majority bloc na si Escudero ang planong italaga bilang presiding officer ng impeachment court dahil sa pagiging abogado.










