DZXL Radyo Trabaho, bibisita sa PESO San Jose del Monte, Bulacan

Panibagong tanggapan ng Public Employment Service Office (PESO) sa labas ng Metro Manila ang bibisitahin ng DZXL Radyo Trabaho team.

Ito ang tanggapan ni San Jose del Monte, Bulacan PESO Manager Perfecto Jaime Tagalog.

Mamayang alas-10:00 ng umaga ay magkakaroon ng courtesy call ang Radyo Trabaho team kay Tagalog para mas mapalakas pa ang ugnayan ng dalawang panig lalo na sa pagbibigay ng trabaho at mahahalagang impormasyon na dapat malaman ng ating mga kababayan sa Bulacan.


Ito rin ang unang pagkakataon na bibisita ang Radyo Trabaho team sa PESO SJDM.

Bukod pa rito, maaaring makaharap mamaya ng team si SJDM Mayor Arthur Robes para ipakilala ang mga bumuo sa Radyo Trabaho.

Matatandaang nito lamang September 21, dumalaw ang ating grupo sa provincial PESO ng Bulacan sa tanggapan ni PESO Manager Atty. Kenneth lantin.

Ilan pa sa mga nabisita ng ating team ang provincial PESO ng Laguna at PESO Bacoor, Cavite.

Facebook Comments