Friday, September 18, 2026

Bilang ng nasawi sa South Cotabato school shooting, umakyat na sa 6 — DSWD

Umakyat na sa anim ang bilang ng mga nasawing mag-aaral sa pamamaril sa isang paaralan sa Banga, South Cotabato.

Batay ito sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), kung saan 17 pang mag-aaral ang iniulat na lubhang nasugatan sa insidente.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ahensiya sa mga pamilya ng mga nasawi at iba pang naapektuhan.

Nasa ospital na rin ang mga social worker ng DSWD para magbigay ng psychological first-aid at psychosocial support sa mga biktima.

Patuloy rin ang koordinasyon ng DSWD Field Office 12 sa LGU ng Banga at iba pang kinauukulang ahensiya para sa kinakailangang tulong sa mga biktima at kanilang pamilya.

Facebook Comments