
Nakalabas na ng ospital ang isa sa mga estudyanteng nasugatan sa insidente sa Banga National High School sa South Cotabato.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ligtas na naihatid sa kaniyang tahanan nitong Linggo, Setyembre 20, ang naturang mag-aaral matapos payagang makalabas ng ospital.
Nagbigay rin ang ahensiya ng tulong-pinansyal at iba pang suporta para sa patuloy niyang pagpapagaling at pagbangon.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang DSWD Field Office 12 sa iba pang mga biktima at kanilang pamilya para matukoy ang kinakailangang psycho-social support at iba pang tulong matapos ang insidente.
Facebook Comments










