Tuesday, October 20, 2026

Magkapatid na Senators Alan at Pia Cayetano, ginisa ang LLDA sa pag-single out sa mga proyekto sa Taguig

Sinermunan ng magkapatid na sina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at Senator Pia Cayetano ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) dahil sa pag-single out sa mga proyekto sa Taguig City na iniuugnay sa katiwalian.

Sa budget hearing ng DENR sa Senado, kinompronta ni Sen. Alan si LLDA Acting General Manager Leopoldo Parumog patungkol sa media coverage nang magpalabas ang LLDA ng cease and desist order o utos ng pagpapatigil sa reclamation project sa Taguig.

Iginiit ni Cayetano na wala namang ganoong media coverage nang isyuhan ng kaparehong order ang ilang reclamation projects sa Muntinlupa at Angono, Rizal.

Itinanggi naman ni Parumog na nagtawag siya ng media subalit bigo naman itong sagutin ang tanong ukol sa 50 ektaryang property sa Taytay, Rizal na iniimbestigahan ng LLDA pero ang mga isyu sa proyekto sa Taguig ay nalalaman ng ahensya.

Ginisa naman ni Sen. Pia ang LLDA kung anong espesyal na interes ang meron ang ahensya sa Taguig City kung saan pinalilitaw na maraming masasamang nangyayari sa lungsod at kahit sa FB page ng LLDA ay blow by blow ang upsates sa imbestigasyon sa Taguig projects.

Facebook Comments