Thursday, October 15, 2026

Anomalya sa 4 na flood control project sa Davao, ginamitan ng magkakaparehong larawan para makapaningil ng pondo

Nakatuklasan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang iregularidad sa apat mula sa 47 flood control project sa Davao Region na isinumite ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Batay sa imbestigasyon, inulit lamang ang mga pampublikong larawan at in-edit ang kulay nito upang gamitin sa paniningil ng pondo sa magkaibang buwan.

Ibinunyag din ni NBI Director Melvin Matibag na may isang pagkakataon kung saan ang parehong hanay ng mga litrato ay isinumite para sa kabayaran noong September 2023 at muling inulit sa kasunod na buwan.

Bukod pa sa isang set ng mga papel na nagtataglay ng petsang February 29, 2023 kahit hindi naman ito leap year.

Dahil dito, opisyal nang ihahain at irerekomenda ng NBI ang apat na kasong ito sa Office of the Ombudsman para sa kaukulang aksyon habang sinusuri ang iba pang mga proyekto.

Facebook Comments