Tuesday, November 17, 2026

Alegasyon ni VP Sara Duterte laban sa mga senador para bumoto pabor sa kaniyang conviction, unfair ayon sa isang mambabatas

Iginiit ni Senator Ping Lacson na hindi makatarungan ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na ginagamit ang 2027 national budget para mapressure ang mga senador na bumoto pabor sa kanyang conviction.

Sinabi ni Lacson na ang ganitong pahayag mula sa ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa ay unfair o hindi patas para sa mga nangunguna sa patuloy na pagtaguyod ng integridad ng pambansang budget.

Sa maraming taon aniya na siya ay senador ay hindi siya kailanman nagpadala sa pangeengganyo ng pork barrel ano man ang hugis at porma nito.

Bagkus, naging consistent aniya siya sa pagtuligsa at paglaban dito.

Naunang inihayag ni VP Duterte sa kanyang social media post ang tungkol sa paggamit ng 2027 national budget bilang bargaining chip sa mga senador para bumoto ang mga ito pabor sa hatol na guilty siya sa mga kaso ng impeachment.

Facebook Comments