
Nakalapag na rito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang ang 50 stranded na Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Riyadh, Saudi Arabia.
Ang second batch ng mga apektadong Pinoy sa kagulugan sa rehiyon ay sa ilalim ng repatriation program ng pamahalaan.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), 50 OFWs ang sasakay sa Qatar Airways Flight QR 934 ang dumatin dakong alas-8:10 ng umaga.
Samantala, labinlimang OFWs naman ang darating sakay ng Gulf Air Flight GF 154 na inaasahang lalapag bandang alas-11:30 ng umaga.
Personal na sinalubong ni OWWA Administrator Patricia Yvonne “PY” Caunan ang mga repatriated OFWs upang tiyakin ang agarang pagbibigay ng kinakailangang tulong at serbisyo sa kanilang pagdating.
Ang repatriation ng mga manggagawa ay pinondohan ng OWWA bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na matulungan at maibalik nang ligtas sa bansa ang mga Pilipinong naapektuhan ng kanilang sitwasyon sa ibang bansa.










