Monday, October 19, 2026

Vice Admiral Rommel Supangan, itinalagang bagong PCG Commandant

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Vice Admiral Rommel Supangan bilang bagong commandant ng Philippine Coast Guard o PCG, kapalit ni Admiral Ronnie Gil Gavan na magreretiro ngayong Lunes, Oktubre 19.

Nagtapos si Supangan sa Philippine Military Academy bilang miyembro ng Marilag Class of 1995 at kumuha ng master’s degree sa maritime affairs sa World Maritime University sa Sweden noong 2008.

Bago ang kanyang pagkakatalaga, pinamunuan niya ang PCG Marine Environmental Protection Command at Coast Guard Fleet.

Pangungunahan ni Pangulong Marcos ang change of command ceremony at retirement ceremony para kay Gavan ngayong hapon sa PCG Headquarters sa Port Area, Maynila.

Facebook Comments