
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suporta ng gobyerno para palakasin ang Philippine Coast Guard o PCG at matiyak ang proteksyon sa karapatang pandagat ng Pilipinas.
Sa change of command ceremony ng PCG, binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pagpapahusay sa operasyon at kahandaan ng Coast Guard sa pagtugon sa mga banta at emergency sa karagatan.
Kabilang sa mga tungkulin ng PCG ang pagprotekta sa mga mangingisda at komunidad sa baybayin, pagtulong sa panahon ng kalamidad at pagtatanggol sa maritime interest ng bansa.
Ayon sa Pangulo, sa maraming paraan, ang Coast Guard ang mukha ng mga Pilipino sa karagatan.
Nagpahayag din ng kumpiyansa si Marcos sa bagong PCG Commandant na si Vice Admiral Rommel Supangan, dahil sa malawak nitong karanasan sa maritime operations.










