Tuesday, October 27, 2026

PBBM, nanawagan sa mga bagong hukom na tiyakin ang pantay na hustisya sa lahat ng Pilipino

Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga bagong talagang hukom na tiyakin ang patas na hustisya para sa lahat ng Pilipino, kabilang ang mga nasa malalayong komunidad.

Sa pakikipagpulong sa mga bagong hukom sa Malacañang, binigyang-diin ng pangulo ang kahalagahan ng integridad, pagiging patas at paninindigan sa prinsipyo sa pagganap ng kanilang tungkulin.

Ayon sa pangulo, mahalagang mapatatag ang tiwala ng publiko sa sistema ng hustisya sa pamamagitan ng mga desisyong patas at nakabatay sa batas.

Binigyang-diin din ng pangulo na malaki ang epekto ng bawat hatol ng hukom sa buhay ng mga taong sangkot sa mga kasong kanilang dinidinig.

Facebook Comments