
Inihain ng mga kongresistang miyembro ng National Unity Party o NUP ang House Bill 11758 o panukalang Advanced Industries Development Act (AIDA) na susuporta sa advanced industries sa bansa katulad ng US-lead Pax Silica.
Nanguna sa paghahain ng panukala si Antipolo Representative Ronaldo Puno na syang Chairman ng NUP, kasama sina Representatives Albert Garcia, Rolando Valeriano, Miguel Luis Villafuerte at iba pa.
Itinatakda ng panukala ang pagtatag ng Advanced Industry Development Authority, ang ahensya na mangangasiwa sa Advanced Industries Zone sa New Clark City, Capas, Tarlac na syang magiging sentro para sa mga estratehikong teknolohiya, advanced manufacturing, siyentipikong pananaliksik, at seguridad sa ekonomiya.
Layunin ng panukala na makahikayat ng maraming mamumuhunan sa semiconductors, artificial intelligence o AI at iba pa na tiyak makakatuloy sa pag-angat ng ekonomiya at makapagbibigay ng aabot sa 150,000 na mga trabaho.










