Saturday, October 24, 2026

SC ruling kaugnay sa unprogrammed funds, patunay na kailangang maisabatas na ang panukalang CADENA Act

Iginiit ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang kahalagahan na maisabatas sa lalong madaling panahon ang panukalang Citizen Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability (CADENA) Act.

Ayon kay Tiangco, patunay nito ang desisyon ng Supreme Court na nagdedeklarang unconstitutional ang unprogrammed funds sa national budget noong 2024, 2025 hanggang 2026.

Diin ni Tiangco, ang itinataguyod na transparency sa paggastos ng pera ng taumbayan at pananagutan sa pamahalaan na itinatakda ng CADENA Bill ay tiyak makakatulong na maibalik ang tiwala ng publiko sa mga institusyon ng pamahalaan.

Bukod kay Tiangco, ay nauna ding nanawagan sa agarang pagpapatibay sa panukalang CADENA Act si Marikina City 1st District Rep. Marcy Teodoro.

Ang proposed CADENA Act na ini-akda ni Senator Bam Aquino ay nakapasa na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado noong Disyembre 15, 2025 habang sa Kamara ay nananatili itong nakabinbin sa House Committee on Appropriations.

Facebook Comments