
Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang inagurasyon ng dalawang pump irrigation project sa Cagayan at Ifugao para mapalawak ang suplay ng tubig sa mga sakahan.
Unang bubuksan ang Pamplona Solar Pump Irrigation System sa Barangay Gutta, Pamplona, Cagayan.
Gagamit ito ng solar energy upang maghatid ng tubig sa mga sakahan at makatulong sa pagpapataas ng produksyon ng palay at iba pang pananim.
Tutungo rin ang pangulo sa Barangay Sto. Domingo sa Alfonso Lista, Ifugao, para sa inagurasyon ng Alfonso Lista Pump Irrigation Project.
Matatandaang sinabi ng pangulo na palalawakin ang paggamit ng solar-powered irrigation systems upang matulungan ang mga magsasaka na makapaghanda sa inaasahang Super El Niño.
Sa ngayon, nasa tatlong libong solar pump irrigation system na ang naipatay sa buong bansa habang 70% na rin ng mga lupang maaaring patubigan sa bansa ang may suplay ng irigasyon.










