2 bilateral meeting, roundtable meeting at business call kabilang sa mga aktibidad ni PBBM para sa huling araw nito sa Bangkok, Thailand

Photo Courtesy: Office of the President Facebook Page

Nananatiling puno ang schedule ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) para sa kanyang ika-apat at huling araw sa Bangkok, Thailand kaugnay pa rin ng partisipasyon nito sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit 2022.

Unang aktibidad ng pangulo ngayong araw ay ang kanilang bilateral meeting ni New Zealand Prime Minister Jacinta Ardern na gaganapin sa Queen Sirikit National Convention Center.

Susundan ito ng gagawing pagdalo ng pangulo sa ikalawang sesyon ng 29th APEC Economic Leaders Meeting sa kapareho ring venue.


Makakaharap din ng pangulo ang Prime Minister ng Australia para sa isa ring bilateral meeting na gagawin din sa Queen Sirikit National Convention Center.

Pupuntahan din ng presidente ang Marriott Marquis Hotel para sa Philippines-Thailand Business Roundtable Meeting na susundan ng business call sa Siam Cement Group.

Mananatili ang pangulo sa Marriott Marquis Hotel para sa pakikipagkita naman nito sa Filipino Community at didiretso sa kanyang huling aktibidad na Kapihan with the Media kasama ang Philippine Media Delegation.

Alas-6L00 ng hapon sa Bangkok at alas-7:00 naman ng gabi sa Maynila ay aalis na ang pangulo pabalik ng Pilipinas.

Facebook Comments