2 dayuhan tumalon umano sa isang hotel

Photo Courtesy: Generic Photo, IM Hotel//Google Map

Tikom pa rin ang bibig ng pamunuan ng IM Hotel kaugnay sa pagkamatay ng 2 lalakeng dayuhan na tila tumalon mula sa nasabing hotel.

Pero patuloy ang isinasagawa imbestigasyon ng Makati City police at mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pamunuan ng IM Hotel para kumuha ng impormasyon na magbibigay liwanag sa insidente.

Isa sa inaalam ngayon ng mga otoridad ay kung saang palapag nanunuluyan ang 2 dayuhan at kung sinadya ba ito o aksidente lamang.


Samantala, nagdudulot naman ang insidente ng mabigat na daloy ng trapiko sa kahabaan ng Kalayaan corner Makati Avenue kung kaya at pinapayuhan ang mga motorista na umiwas sa nabanggit na lugar.

Facebook Comments