Tuesday, June 16, 2026

Impeachment trial, tuloy sa July 6 —Senate Sec. Bantug

Kinumpirma ni Senate Secretary Renato Bantug na tuloy parin ang impeachment trial sa July 6, 2026 tulad ng napagkasunduan ng mga senador bago ang naganap na iringan sa Senado.

Sinabi ni Bantug na walang nababago sa schedule ng impeachment trial.

Kahapon, kapwa nagsumite ang defense at prosecutor panel ng kanilang pre-trial brief sa tanggapan ni Senate Secretary Bantug.

Kinumpirma naman ni Atty. Bantug na magsasagawa sila ng pre-trial conference sa Huwebes, June 18, dakong alas-9 ng umaga.

Blangko naman si Bantug kung gaano kahaba aabutin ang pre-trial conference na kanilang gagawin.

Hindi naman aniya required ang mga senador na dumalo sa pre-trial kundi ang mga piling representative na mga abogado ng kampo ng depensa at prosecutors.

Facebook Comments