
Matagumpay na idinaos ang Non-Governmental Organization at Balikbayan Night bilang bahagi ng makulay na selebrasyon ng Mango Bamboo Festival 2026.
Isa sa mga tampok ng gabi ang awarding ceremony kung saan pinarangalan ang mga organisasyong naging katuwang ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang programang pangkomunidad. Ipinahayag ng mga opisyal ang kanilang pasasalamat sa patuloy na suporta at malasakit ng mga NGO na nag-aambag sa kaunlaran ng lungsod.
Bukod sa parangal, naging mainit din ang pagtanggap sa mga balikbayan na nagbalik upang makiisa sa pista at muling makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay. Ang kanilang pagdalo ay nagbigay dagdag sigla at emosyon sa selebrasyon.
Naging buhay na buhay ang gabi sa pamamagitan ng musika at sayawan na naghatid ng kasiyahan sa mga dumalo. Punong-puno ng tawanan at samahan ang buong pagtitipon, na nagsilbing simbolo ng pagkakaisa at pasasalamat ng komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










