
Ngayong Miyerkules ng gabi, inaasahang mas makikita sa mas malaking kabuuuan ang Lyrid Meteor Shower
Ito ay isang taunang celestial event na makikita sa Northern Hemisphere sa kalagitnaan hanggang huling bahagi ng Abril
Dahil dito, nagbigay ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng ilang tips kung paanong higit na magkaroon ng tsansa na masilayan ang Lyrid Meteor Shower.
Ayon sa PAGASA, pinakamahusay na maobserbahan ang Lyrid Meteor Shower mula 9 pm hanggang 5 am.
Ang pinakamahusay na viewing window time ay bandang 4 am.
Asahan na makita ang hanggang 18 meteor bawat oras.
Kung maayos ang kondisyon ng panahon, maaaring makakita ng hanggang 18 meteor bawat oras sa ilalim ng maaliwalas at madilim na kalangitan.
Kung mas madilim ang lugar, mas malaki ang tsansang makakita ng mga bulalakaw, kaya pumili ng lokasyong malayo sa mga ilaw ng lungsod.
Wala nang kinakailangang kagamitan, gaya ng binoculars o teleskopyo dahil ang Lyrid Meteor Shower ay pinakamahusay na nakikita sa mata.
Para sa pinakamagandang karanasan sa panonood, hayaan ang mga mata na mag-adjust sa dilim nang hindi bababa sa 30 minuto, at maging matiyaga habang naghihintay na lumitaw ang mga bulalakaw.










