2 PROUD CAGAYANO, WAGI SA OLYMPIAD SA SOUTH KOREA

Cauayan City – Karangalan at medalya ang naiuwi ng dalawang mag-aaral mula sa Aparri, Cagayan matapos na magwagi mula sa dalawang prestihiyosong kompetisyon na nilahukan sa South Korea.

Kinilala ang mga estudyanteng sina Lance Derald Auingan at Raesa Angela Imperio mula sa Lyceum of Aparri.

Pareho silang nagkamit ng diamond medal sa Global English Language Olympiad of Southeast Asia – Secondary 1 and 2, kung saan ipinamalas nila ang husay sa pagbabasa, gramatika, wastong paggamit ng wika, at pagsulat ng sanaysay.


Bukod pa rito, si Auingan ay nag-uwi rin ng silver medal sa Southeast Asia Computer Science Olympiad – Category 4, matapos niyang ipakita ang galing sa larangan ng computer literacy at coding.

Nasungkit ng Pilipinas ang titulong overall champion sa Global English Language Olympiad, kung saan nakipagtagisan ito sa mga kalahok mula sa iba’t ibang bansa tulad ng Malaysia, Indonesia, Vietnam, Cambodia, Thailand, at Myanmar.

Facebook Comments