
Nasa pag-iingat na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang unattended bag na narekober sa Butuan Airport.
Matapos ang pagsusuri ng mga awtoridad sa nasabing bagahe, negatibo ito sa bomba
Narekober naman sa loob ng bag ang ₱43,201.50 cash,wallet, food items, at personal belongings.
Ang bag ay nasa pag-iingat ng CAAP Security and Intelligence Service (CSIS) Communication Center.
Tiniyak naman ng CAAP na nananatili silang naka-alerto para sa seguridad ng mga pasahero.
Facebook Comments