Friday, April 17, 2026

Pagpapa-uwi at pagpapanagot kay Zaldy Co, dapat madaliin ng gobyerno

Iginiit ni House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima sa gobyerno na huwag ng magsayang ng oras at madaliin na ang pagpapauwi at pagpapanagot kay dating congressman Zaldy Co.

Diin ni De Lima, dapat harapin na ni Co ang mga kaso laban sa kanya at panumpaan sa tamang forum ang mga alegasyon nya.

Ayon kay De Lima dapat isiwalat ni Co sa mga imbestigasyon ang lahat-lahat ng mga nalalaman nya maging ang mga ebidensyang meron sya ukol sa maanomalyang flood control projects.

Umaasa naman si House Committee on Public Accounts Chairman at Bicol Saro Party-list Representative Terry Ridon na sa pagbabalik ni Co sa bansa ay makapagbibigay ito ng dagdag na impormasyon ukol sa mga pangyayari sa mga nagdaang maanomalyang flood control project sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Dagdag pa ni Ridon, pagkakaton din ito para harapin ni Co ang mga kasong nakasampa sa kaniya sa Sandiganbayan.

Facebook Comments