Hindi na magiging pabigat sa bulsa ng mga mag-aaral at residente ang pagpapaphotocopy ng kanilang mga dokumento at proyekto matapos ilunsad sa Lingayen Municipal Public Library ang programang “Sagot Ko, Photocopy Mo!”
Layunin ng programa na magbigay ng libreng photocopy services sa buong bayan.
Sa ilalim ng programa, maaaring makakuha ng hanggang 12 kopya kada araw ang bawat estudyante. Kinakailangan lamang na magdala ng sariling coupon (long o short), pati na rin ng student ID o anumang valid ID.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang serbisyong ito ay para lamang sa mga layuning pang-edukasyon.
Inaasahan na mapapagaan ang gastusin ng mga residente, lalo na ng mga estudyante, at matiyak na may sapat silang kagamitan sa gitna ng patuloy na hamon sa ekonomiya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










