Friday, July 3, 2026

Pulis sa viral INC rally video, pansamantalang ni-relieve ng PNP

Pansamantalang ni-relieve sa pwesto ang pulis na nasa viral video na lumapit sa isang motorista na nagkaroon ng komprontasyon sa mga kalahok ng rally na isinagawa ng Iglesia ni Cristo (INC) noong Lunes.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Allen Rae Co, nakilala na ang nasabing pulis na isang patrolman at naka-assigned ito sa District Mobile Force Battalion ng Quezon City Police District (QCPD) at ngayon ay inilagay na ito sa holding admin center.

Ayon kay Co, ang pag-relieve sa pwesto ng nasabing pulis ay hindi nangangahulugan na guilty na ito kundi para magkaroon lamang dito ng mabilis na access habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nasabing insidente.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Co na kinikilala ng PNP ang naging pahayag ni Senator Raffy Tulfo kaugnay ng nasabing insidente pati na ang rekomedasyon nito na i-restrain ang nasabing pulis.

Ayon kay Co, isasaalang-alang ang nasabing pag-restrain kung ito ay mapapatunayan sa gagawing imbestigasyon.

Kasama sa gagawing imbestigasyon ng PNP ang pagkuha ng pahayag sa mga tao na nasa lugar, pati na ang taong nagbigay ng banta sa nasabing motorista at ang mismong panig ng driver ng motorsiklo na nakuhanan ng susi base sa viral video.

Facebook Comments