
Mabagal ang usad ng mga motorista sa southbound lane ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA)–People Power Monument simula pa kaninang alas-5 ng umaga.
Ayon sa mga pulis, may mga raliyista rin umano sa southbound lane ng EDSA–People Power Monument, kaya naipit sa trapiko ang mga motorista dahil iisang linya na lamang ng bus lane ang nadaraanan.
Sa pinakahuling update ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sakop ng mga nasabing raliyista ang EDSA–Reliance northbound at EDSA–Kamuning Flyover southbound.
Sa kabilang banda, tahimik pa naman ang sitwasyon sa EDSA–People Power Monument northbound.
Samantala, nananatili pa ring sarado hanggang ngayon ang eastbound at westbound ng EDSA–White Plains dahil, maliban sa mga raliyista, doon din nakaparada ang mga sasakyang dala umano ng mga raliyista.










