Arestado ang isang 28-anyos na lalaki na kabilang sa listahan ng mga wanted person matapos isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa kaniya sa San Carlos City, Pangasinan, dakong alas-6 ng gabi nitong Nobyembre 23, 2026.
Isinagawa ang pag-aresto ng mga operatiba ng San Carlos City Police Station bilang lead unit, katuwang ang mga tauhan ng Pura Municipal Police Station ng Tarlac Police Provincial Office.
Kinilala ang akusado na nagtatrabaho bilang security guard at residente ng San Carlos City.
Nahaharap ito sa kasong Adultery kung saan nakatakda ang piyansa sa halagang ₱36,000.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng San Carlos City Police Station ang akusado para sa kaukulang proseso at disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








