
Patuloy na sinusuri ng Malacañang ang panukalang 2027 national budget upang matiyak na ang pondo ng gobyerno ay mapupunta lamang sa mga programang may direktang pakinabang sa mamamayan.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, ito ang utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaya tanging mga programang naaayon sa plano ng pamahalaan at may malinaw na benepisyo sa publiko ang isasama sa budget.
Dagdag ni Recto, uunahin lamang ang mga proyektong handa nang ipatupad at hindi maaantala ng anumang balakid.
Noong nakaraang linggo, iniharap ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Kim de Leon sa pangulo ang panukalang 2027 National Expenditure Program.
Facebook Comments










