Friday, July 10, 2026

Humigit kumulang P20 milyong halaga ng umano’y paihi na produktong petrolyo, nasabat sa Malabon City; apat, arestado

Nahuli ng mga operatiba ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isinagawang buy-bust operation ang umano’y paihi ng produktong petrolyo sa Brgy. Concepcion sa Malabon City kaninang madaling araw.

Kung saan apat ang nahuli sa nasabing ilegal na operasyon na kinabibilangan ng mga kapitan at pahinante.

Narekober sa kanila ang tatlong container ng diesel na naglalaman ng humigit kumulang 50 liters na ginamit sa buy-bust, isang improvised white plastic funel, isang submersible pump, 2 suction hoses, karagdagang 105 litro ng diesel, dalawang tugboat, at ang buy-busy money na tinatayang nagkakahalaga ng humigit kumulang P20 milyong.

Ipinaliwanag naman ni CIDG-NCR Director John Guiagui kung paano naisagawa ang nasabing ilegal na aktibidad.

Aniya, kukunin ng mga tugboat ang diesel sa laot, dadalhin sa Malabon at Navotas kung saan may naghihintay na mga tanker na sya namang magdi-distribute sa murang halaga.

Kasabay ito ng paalala sa publiko na huwag tangkilikin ang nasabing mga produkto.

Dahil dito ay makikipag-ugnayan ang CIDG sa Philippine National Police (PNP) Maritime para matukoy kung saan kinukuha at napapalusot ang mga nakumpiskang produktong petrolyo.

Sa ngayon ang mga suspek ay nasa kustodiya ng CIDG-NCR at nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1865.

Facebook Comments